Grad stude kinalasan ng nobya, nagbigti

TUGUEGARAO CITY, Cagayan, Philippines -  Nagpasalubong kay kamatayan ang 22 anyos na graduating student na sinasabing kinalasan ng kanyang nobya matapos itong  magbigti sa Barangay Daburab, Cauayan City, Isabela kahapon.? Sa police report na nakarating kay P/Supt. Kevin Bulayungan, hepe ng Cauayan City PNP, kinilala ang biktima na si Jerwin Foronda na nagbigti sa kanyang kuwarto. Inamin naman ni Paeng Foronda na matamlay at nag-iiyak ang kanyang anak matapos makipagkalas ang nobya nito subalit hindi niya inakalang hahantong ang problema sa pagpapakamatay.

 

Show comments