4 dedo sa motorbike mishap

TUGUEGARAO CITY, Cagayan - Kamatayan ang sinapit ng apat-katao matapos masangkot sa magkahiwalay na aksidente sa mga bayan ng Sta. Ana at Bal­lesteros, Cagayan kamakalawa. ?Sa ulat ni P/Chief Insp. Saturnino Soriano, hepe ng Sta. Ana PNP, nakahimpil sa gilid ng pabulusok na kalsada si Michael Dela Cruz sakay ng kanyang motorsiklo nang banggain ni Antonio Ramos, 54.? Kaagad na namatay si Ramos habang si Dela Cruz naman ay namatay habang ginagamot sa Cagayan Valley Medical Center. Samantala, patay din ang mag-amang sina Blandy Tabulog, 49; at Randy Tabulog, 22, nang sumalpok ang kanilang motorsiklo sa steel barrier sa kurbadang bahagi ng kalsada sa bayan ng Ballesteros.? Ayon kay P/Senior Insp. Merwin Villanueva, hepe ng Ballesteros PNP,  pauwi na sana ang mag-ama sa Sta. Marcela, Apayao nang makasalubong si Kamatayan pagsapit sa nasabing lugar.

Show comments