Bahay ng mayor nirapido

MANILA, Philippines - Nirapido ng mga hindi kilalang kalalakihan ang bahay ng alkalde sa naganap na harassment sa bayan ng Siayan, Zamboanga del Norte kahapon ng madaling araw. Sa ulat ni P/Supt. Rogelio Alabata na nakarating sa Camp Crame, bandang alas-12:30 ng madaling araw nang pagbabarilin ng grupo ng kalalakihang lulan ng van at motorsiklo ang bahay ni Siayan Mayor Flora Villarosa sa Barangay Poblacion. Bunga ng insidente ay nagtamo ng mga tama ng bala ang bakod at gate ng bahay ni Villarosa kung saan wala namang nasugatan sa naganap na pamamaril. Narekober naman ang limang cartridge ng cal. 5.56 pistol at mga basyo ng bala.

 

Show comments