May-ari ng beerhouse, nilikida

TUGUEGARAO CITY, Cagayan, Philippines – Pinabulagta ang 27-anyos na may-ari ng beerhouse matapos itong pagbabarilin ng riding-in-tandem assassins sa kahabaan ng highway sa Barangay Alibagu, Ilagan City, Isabela kahapon ng madaling araw. Ayon kay PO3 Michael Bacani, magkaangkas sa motorsiklo ang biktimang  si Donald Cabansag  at nobyang si Gemma Angcon nang harangin at ratratin pagsapit sa harap ng Isabela Sports Complex bandang alas-2 ng madaling araw. Narekober ang isang basyo ng bala ng cal.45 pistol habang natulala naman si Angcon na natalsikan pa ng dugo ni Cabansag matapos ang pamamaril. Hinihintay ng mga imbestigador ng pulisya na manumbalik ang diwa ni  Angcon para maisalarawan ang gunmen.

 

Show comments