Fil-Am sinalpok ng bus, dedo

TUGUEGARAO CITY, Cagayan, Philippines – Patay ang 55-anyos na Fil-Am makaraang masalpok ng pampasaherong bus sa kahabaan ng national highway sa Barangay Lingsat, San Fernando City, La Union kamakalawa ng madaling araw. ?Hindi na umabot ng buhay sa Ilocos Training and Regional Medical Center ang biktimang si Patrick Leo Mapherson ng Barangay Ili Sur sa bayan ng San Juan.? Ayon kay P/Chief Insp. Silverio Ordinado Jr., tagapagsalita ng La Union PNP, sumuko naman sa mga pulis ang drayber ng GV Florida Bus (TIF-125) na si Igmedio Pascua Jr., 51, ng Claveria, Cagayan. ?Depensa ng drayber na biglang tumawid ang biktima kaya hindi na naiwasan kung saan tumilapon at nagpagulung-gulong ng ilang metro sa gitna ng kadiliman dakong alas-2 ng madaling araw.

Show comments