Tulak kumasa sa buy-bust, utas

CAVITE, Philippines – Bulagta ang sinasabing drug suspek matapos itong kumasa at tangkang makipagbarilan sa arresting team ng pulisya sa inilatag na buy-bust operation sa Barangay Poblacion 4 sa bayan ng General Mariano Alvarez, Cavite kamakalawa. Kinilala ang napatay na si Roberto “Tata” Ladim ng nasabing barangay habang arestado naman ang kasama nitong si Lorencio ”Jun”  Senes, construction worker, ng Block 2, Excess Lot sa nasabing bayan. Base sa ulat ng pulisya ng nakarating sa Camp Pantaleon Garcia sa Imus City, tinangkang manlaban ni Ladim kaya napatay kung saan hindi na nakapalag si Senes. Hindi naman binanggit sa police report kung ilang plastic sachet ng shabu ang nasamsam sa dalawa.

Show comments