P100K reward sa nang-rape slay sa coed

TUGUEGARAO CITY, Cagayan, Philippines - Nag-alok ng P100,000 pabuya ang lokal na pamahalaan ng Tineg, Abra para sa impormasyong magpapadali sa pagkadarakip ng mga gumahasa at pumatay noong nakaraang linggo sa estudyante sa Bangued kamakalawa. Sinabi ni Vice Mayor Edwin Crisologo na inaasahan nilang ma­bigyan ng hustisya si Criza Quezada Libuen, 22, isang graduating education student sa Abra State Institute of Science and Technology sa Bangued. Natagpuan noong Sabado ang bangkay ng dalaga na may dalawang tama ng bala sa ulo at may palatandaang halinhinang hinalay sa tabing ilog ng Brgy. San Antonio. Kasabay ng pagkamatay ni Libuen, na rape-slay din ni Jackielyn Mandac 22, graduating agri-business student sa Isabela State University sa bayan ng Cabagan.Blangko pa rin ang pulisya sa pagkakakilanlan ng mga suspek sa dalawang krimen.

Show comments