QUEZON, Philippines – Natusta ang buong katawan at namatay ang 4-anyos na totoy matapos itong makuryente habang naglalaro sa likuran ng kanilang bahay sa Sitio Calaminig, Barangay Poblacion 2 sa bayan ng Malunay, Quezon kamakalawa ng umaga. Batay sa imbestigasyon, naglalaro ang biktimang si Mark Ian Espinosa nang mapahawak ito sa yerong dingding ng kanilang likurang bahagi ng bahay. Bigla na lamang umanong nagkikisay at umusok ang katawan ng bata at nang siyasatin ay nabatid na napadikit sa yero ang kable ng kuryente na itinap ng kanilang kapitbahay. Pinag-aaralan ngayon ng mga kaanak ng biktima na sampahan ng kasong kriminal ang kapitbahay na nagkabit ng iligal na linya ng kuryente.