Problemadong mister, nagbigti

BULACAN, Philippines – Pinaniniwalaang dumapo ang matinding depresyon sa 51-anyos na lalaki na sinasabing nasangkot ito sa nakawan sa pinapasukang pabrika kaya kusang nagpasalubong kay kamatayan  makaraang magbigti sa kanilang bahay sa Brgy. Lambakin, bayan ng Marilao, Bulacan kahapon. Natagpuang nakabitin sa palikuran ang biktimang si Roberto Riesgo, maintainance worker at naka­tira sa Northville 4-B sa nasa­bing barangay. Ayon kay PO1 Ryan Natividad, narekober ng bayaw  na si Reynaldo Sobe­rano ang celphone ng biktima na may nakasaad na humihingi ng patawad sa kanyang mga kaanak at mga anak dahil sa hindi naka­yanang problema sa sarili. Ayon sa mga kaanak ng biktima, problemado at malulungkutin ito dahil sa pagkakasangkot sa naganap na nakawan sa pinapasukang pabrika at ang problema sa sariling pamilya kaya marahil winakasan ang kanyang buhay.

 

Show comments