MANILA, Philippines - Napatay ang isang security officer ng lokal na pamahalaang matapos itong pagbabarilin ng hindi kilalang lalaki sa harapan ng lumang city hall sa Tagum City, Davao del Norte kahapon ng umaga. Napuruhan sa katawan si Ronnie Pascia ng Barangay Madaum at miyembro ng Tagum City Security Management Office. Sa ulat ni P/Supt. Laudemer Laude, hepe ng Tagum City Police na isinumite sa Camp Crame, naka-duty sa kanyang post si Pascia sa lumang city hall sa kahabaan ng Rizal Street may ilang metro lamang ang layo sa police station nang lapitan at barilin. Nagawa pang itakbo ang biktima sa Davao Regional Medical Center subali’t idineklara itong patay. Inaalam pa ng pulisya kung may kinalaman sa barilan sa New City Hall Complex sa Brgy. Apokon noong 2015 na ikinasawi ng isa. Nabatid na hindi nakasuhan sa insidente si Pascia at inilipat lamang ito ng puwesto.