Kahirapan ‘di natagalan, mister nagbigti

Sa ulat ni PO3 Nestor Lumanglas, alas-11:30 ng tanghali ay dumating sa kanilang bahay ang biktima na lasing na lasing at idinaraing na hindi na niya kaya ang kahirapan ng buhay.
Philstar.com/File

LUCENA CITY, Philippines - Kusang nagpasalubong kay kamatayan sa pamamagitan ng pagbibigti ang isang 36- anyos na tatay makaraang hindi na matanggap ang nararanasang kahirapan ng kanilang pamilya, kamakalawa ng umaga sa Purok Maganda, Brgy. Gulang-gulang.   

Kinilala ang biktima na si Roosevelt Palermo, walang hanapbuhay ng nabanggit na lugar.   

Sa ulat ni PO3 Nestor Lumanglas, alas-11:30 ng tanghali ay dumating sa kanilang bahay ang biktima na lasing na lasing at idinaraing na hindi na niya kaya ang kahirapan ng buhay.  

Maya-maya ay kumuha ng kable ng kuryente ang biktima at itinali sa kisame ng bahay saka tumalon na ikinabigti nito.  

Nasaksihan ng menor-de-edad na anak ng biktima ang buong pangyayari na ikinatulala nito at ngayon ay isasailalim sa counseling ng DSWD.

Show comments