Municipal councilor, nag-suicide

CAMP JULIAN OLIVAS, Pampanga, Philippines – Kusang nagpasalubong kay kamatayan ang 60-anyos na municipal councilor matapos itong magbaril sa sarili sa kanyang bahay sa Barangay San Isidro sa bayan ng Floridablanca, Pampanga noong Martes ng hapon. Base sa police report na ipinarating kay P/Supt. Crisente Tiguelo, hepe ng Floridablanca PNP, kinilala ang biktima na si Councilor Bonifacio Baluyot ng nasabing bayan. Bandang alas-4 ng hapon nang makarinig ng malakas na putok ng baril na nagmula sa silid ng biktima. Nang usisain ng kasama sa bahay ay namataan ang duguang biktima kaya kaagad na dinala sa ospital subalit idineklara itong patay. Pinaniniwalaang desperado sa matinding problema sa pamilya ang isa sa motibo kaya nag-suicide ang biktima.

Show comments