Giyera sa North Cotabato, sumiklab

NORTH COTABATO, Philippines – Nalalagay sa  panganib ang buhay ng mga residente  sa Maguindanao makaraang sumiklab ang giyera sa pagitan ng Moro Islamic Liberation Front (MILF) at Moro National Liberation Front (MNLF) sa hangganan ng Kidapawan City at sa bayan ng Matalam, North Cotabato, kahapon. Ayon kay Psalmer Bernalte ng City Disaster Risk Reduction Management Office, napag-alaman na noong nakaraang araw nagsimula ang bakbakan ng mga rebeldeng Moro National Liberation Front (MNLF) at ng Moro Islamic Liberation Front (MILF) sa Barangay Kidama sa bayan ng Matalam. Ayon sa ilang residente, malalakas na mga putok mula sa iba’t ibang uri ng baril ang kanilang narinig noong Biyernes ng hapon. Pinaniniwalaang magsisilikas na naman ang mga residente sa takot na mapagawi ang bakbakan sa kanilang barangay.

Show comments