Pulis na holdaper patay sa shootout

LEGAZPI CITY, Albay, Philippines – Patay ang isang pulis na holdaper matapos itong makipagbarilan sa kabarong pulis makaraang sa Old Albay District, Legazpi City kahapon. Kinilala ang napatay na si PO2 Ronnie Sandrino ng Pilar PNP sa Sorsogon habang nakilala naman ang nakabarilang pulis na si PO1 Melgar Nocos ng traffic division ng Legazpi City PNP. Sa police report na nakarating kay P/Supt Jose Esico, hepe ng  Legazpi City PNP, rumesponde si PO1 Nocos matapos humingi ng tulong  ang isang kawani ng LBC na sinasabing hinoldap ni PO2 Sandrino. Gayunman, inabutang papasakay sa traysikel si PO2 Sandrino  para tumakas pero sa halip na sumuko nakipagbarilan at napatay ito ni PO1 Nocos. Narekober kay PO2 Sandrino ang P11K na nakuha nito sa LBC at ang cal. 9mm pistol.

Show comments