3 patay sa road mishap

Kinilala ang mga biktima na sina Gabriel Tibayan, 84, ng Brgy. Maymangga sa bayan ng Amadeo, Cavite; Alberto Yabut, 17, college student, at nakatira sa Block Lot 12 sa Barangay San Simon Dasmariñas City, Cavite; at si Joevert Bustamante, 24, factory worker at residente sa Brgy. San Juan 1 sa General Trias, Cavite. File photo

CAVITE, Philippines - Tatlo-katao ang namatay sa naganap na magkakahiwalay na sakuna sa General Trias, bayan ng Amadeo at Trece Martirez City sa Cavite kamakalawa.

Kinilala ang mga biktima na sina Gabriel Tibayan, 84, ng Brgy. Maymangga sa bayan ng Amadeo, Cavite; Alberto Yabut, 17, college student, at nakatira sa Block Lot 12 sa Barangay San Simon Dasmariñas City, Cavite; at si Joevert Bustamante, 24, factory worker at residente sa Brgy. San Juan 1 sa General Trias, Cavite.

Sa police report na nakarating sa Camp Pantelon Garcia, patawid ang biktimang si Tibayan nang mahagip ng delivery van ni Roman Aclany Dela Roca sa kahabaan ng CM delos Reyes Avenue sa Barangay Banay Banay, bayan ng  Amadeo.

Samantala, patay din si Yabut makaraang salpukin ng motorsiklo ang kanyang motorsiklo sa kahabaan ng Governors Drive sa Barangay Manggahan, General Trias sa Cavite.

Arestado naman ang driver ng van na si Rodolfo Magtuto, 63, ng Blk 32 Lot 12 Golden Horizon sa Barangay Hugo Perez sa Trece Martirez City.

Patay din si Bustamante makaraang sumalpok ang kanyang motorsiklo sa punungkahoy sa kahabaan ng Arnaldo Highway sa Barangay Sta. Clara sa General Trias, Cavite.

Kritikal naman ang kaangkas nitong si Marvin Nabjo, 25, ng Burlan Subd. sa Brgy. Sanjamayor sa bayan ngTanza, Cavite.

Show comments