3 utas sa pamamaril

NORTH COTABATO, Philippines – Tatlo-katao ang napatay sa naganap na magkahiwalay na pamamaril sa Ge­neral Santos City, South Cotabato kamakalawa. Unang napatay ang dalawang miyembro ng Joint Task Force-Gensan Barracuda na sina Jomel Banatero at Roger Gregorio na niratrat ng riding-in-tandem assassins sa bahagi ng Nuñez Street, Brgy. San Isidro. Napatay din ang negosyanteng si Ricky Belbes matapos itong barilin ng tandem sa Darimco Silway, Brgy. Dadiangas West.  Nabatid na nagpanggap na bibili ng sigarilyo ang gunman nang pasukin at ratratin sa tindahan ang biktima.

Show comments