Sekyu ng banko, dakma sa gun ban

TUGUEGARAO CITY, Cagayan, Philippines – Kalaboso ang 28-anyos na security guard matapos itong arestuhin ng pulisya habang hawak ang shotgun at nakapambahay na suot sa binabantayang banko sa Barangay Bulala, bayan ng Camalaniugan, Cagayan kamakalawa. Ayon ay P/Chief Insp. Virgilio Dorado, hepe ng Camalaniugan PNP, kasalukuyang nagsasagawa ng crime scene investigation ang mga imbestigador sa nasabing lugar nang mamataan ng pulisya ang sekyu na si Eugene Urbi na nakadamit pambahay at tsinelas habang hawak ang shotgun sa harap ng Rural Bank of Cauayan. Walang naipakitang kaukulang dokumento ng gun ban exemption si Urbi kaya agad itong kinasuhan ng pulisya.

Show comments