16 tiklo sa PNP operation

PAMPANGA, Philippines – Umaabot sa 16-drug personality kabilang ang notoryus drug peddler ang nasakote ng mga operatiba ng pulisya sa isinagawang operasyon sa Muslim Compound sa Purok 4, Barangay San Pedro Cutud sa San Ferna do City, Pampanga kamakalawa. Sa police report na nakarating kay P/Chief Supt. Rudy Lacadin, PRO 3 regional director, sa bisa ng search warrant, arestado ang 16 na suspek kabilang si Usman “Makmin” Dumaod. Nasamsam sa mga suspek ang 100 gramo ng shabu, mga drug paraphernalia, cal. 22 rifle, 2 cal. 38 revolver, cal. 9mm pistol, 2 granada, assorted ammunition, assorted magazines at isang Uzi gun replica. Nakatakdang kasuhan ang mga suspek habang nakakulong sa himpilan ng pulisya sa San Fernando City.

Show comments