7-anyos sinalpok ng bike, dedo

QUEZON, Philippines – Hindi na umabot ng buhay sa ospital ang 7-anyos na elementary pupil matapos na mabundol ng motorsiklo habang tumatawid sa national road sa Barangay F. Nanadiego, bayan ng Mulanay, Quezon kamakalawa ng hapon. Nagtamo ng grabeng sugat sa ulo ang biktimang si Calire Penaremora, Grade 2 at residente ng Sitio Cangcalao sa nasabing barangay. Naaresto naman ang driver ng motorsiklo na si Angelo de la Rosa, 41, may-asawa, DPWH laborer 1 at nakatira sa Barangay Pakiing. Base sa imbestigasyon ng pulisya, bandang alas-4:30 ng hapon ay kalalabas lamang ng  biktima mula sa paaralan at pauwi na sana nang mabundol ito ng motorsiklo ni Angelo. Sa lakas ng pagkakabangga ay tumilapon ang bata kung saan humampas ang ulo sa sementadong kalye.

 

Show comments