ISABELA, Philippines – Matagumpay ang pagdaraos ng taunang Bambanti Festival 2016 sa lalawigan ng Isabela na nagtapos kahapon.?
Sa pahayag ni Dr. Jonathan “Totep” Calderon, director general ng Bambanti 2016, ang pagdaraos ay bilang pagpupugay sa sipag at tiyaga ng mga Isabelino na nagdala sa tugatog ng pagkilala bilang top grains producing province sa bansa at pasasalamat sa Dios sa natamong masaganang ani sa kabila ng sunud-sunod na kalamidad noong 2015.?
“Nilalayong paigtingin ng festival na maisama sa pagdaraos ang iba’t-ibang kinaugalian na festival sa Isabela para sa pagpapayabong ng kultura ng mga Isabeliño at pagkikilala sa mga kontribusyon ng mga iresidente na nagbigay parangal sa kani-kanilang larangan”, dagdag pa ni Bokal Calderon.
Binigyang pugay din ni Calderon ang suportang ibinuhos nina Governor Faustino Dy III at Vice Governor Antonio Albano para sa matagumpay na pagdaraos ng Bambanti Festival.