Foreman, 1 pa kisay sa kuryente

Camp Vicente Lim, Laguna, Philippines - Patay ang isang foreman at kasamang construction worker makaraang makuryente habang nangingisda sa creek sa Barangay Pulong Sta.Cruz, Sta Rosa, Laguna.  Ang mga nasawi ay sina Nolito Raza, isang foreman, at Mark Denava, kapwa residente ng Macalelon, Quezon. Sa report ng Sta Rosa Police, nangingisda ang dalawa sa pamamagitan ng pangunguryente. Ikinabit nila ang livewire sa steel bar na kinonekta sa outlet ng kanilang barracks subalit nang ihulog na sa ilog ang nasabing improvised fishing gear, bigla na lamang nangisay ang dalawa sanhi ng malakas na daloy ng boltahe ng kuryente. Agad na isinugod sa ospital ng kanilang mga kasamahan ang dalawa subalit kapwa idineklarang dead-on-arrival.

Show comments