Rookie cop, 8 pa tiklo sa drug bust

Kinilala ni C/Supt. Rudy Lacadin, Director ng Police Regional Office (PRO) 3, ang nasakoteng pulis na si PO1 Franco Nero Sagudang, kasapi ng Regional Public Safety Battalion (RPSB) at walo pang hinihinalang drug pusher na sina Richard Aguado, Victor De Guzman, Allan Coronel,  Christoper Lumangyao, Jetro Bentor, Dennis De Castro, Ma. Lourialliene Caringal at Alex Mahistrado. File photo

MANILA, Philippines – Siyam katao kabilang ang isang bagitong pulis ang nasakote ng mga operatiba ng pulisya sa isinagawang drug bust operation sa bayan ng Marilao, Bulacan nitong Huwebes ng madaling-araw.

Kinilala ni C/Supt. Rudy Lacadin, Director ng Police Regional Office (PRO) 3, ang nasakoteng pulis na si PO1 Franco Nero Sagudang, kasapi ng Regional Public Safety Battalion (RPSB) at walo pang hinihinalang drug pusher na sina Richard Aguado, Victor De Guzman, Allan Coronel,  Christoper Lumangyao, Jetro Bentor, Dennis De Castro, Ma. Lourialliene Caringal at Alex Mahistrado.

Ayon kay Lacadin, bandang alas-12:30  ng madaling-araw nang magsagawa ng drug bust operation ang mga opera­tiba ng pulisya sa Socorro Subdivision, Brgy. Abangan Norte, Marilao ng lalawigan.

Hindi na nakapalag ang mga suspek matapos na maaktuhan ng arresting team sa drug bust operation sa lugar. Nakuha sa mga suspek ang P4,200 marked money, ilang plastic sachet na naglalaman ng shabu at mga pinatuyong marijuana. 

Nabatid na nahaharap si PO1 Sagudang sa kasong admi­nistratibo dahil sa misteryosong pagkawala ng service firearm nitong Glock 20 9mm kalibre at isang M-16 armalite rifle na inisyu sa kanya.

Show comments