4 utas salpukan ng 2 motorbike

MANILA, Philippines – Bumulagta ang apat-katao kabilang ang 8-anyos na totoy makaraang magbanggaan ang kani-kanilang motorsiklo sa kahabaan ng national highway sa Quemtras, Barangay Butong sa bayan ng Quezon, Bukidnon kamakalawa ng gabi. Sa phone interview kay PO2 Mark Paulo Erojo Quezon PNP, kinilala ang mga biktimang sina Louie Alontaga,18; Fern Renjay Bayot, 8; Ramon Baylumo, 38; at si Danny Talisan. “Head on collision kasi eto sa lakas ng impact matindi yung sugat nila, nabagok pa sa kalsada ang ulo ng mga victims unfortunately patay silang apat,” pahayag ni PO2 Erojo. Sa imbestigasyon, naganap ang sakuna bandang alas-7:35 ng gabi habang ang isang motorsiklo ay patungo sa Busco Sugar Milling Company, Inc. at ang kasalubong nitong isa pang motorsiklo ay patungo naman sa bayan ng Quezon.

Show comments