Pulis tiklo sa indiscriminate firing

MANILA, Philippines – Bagsak kalaboso ang isang pulis matapos itong masangkot sa indiscriminate firing na ikinasugat ng isang guro sa Barangay 6, bayan ng Nasugbu, Batangas noong Sabado ng gabi.

Nakatakdang kasuhan ang suspek na si PO2 Jayson Ortiz ng Brgy. Cogunan sa nasabing bayan.

Ginagamot naman matapos tamaan ng bala sa panga ang biktimang si Maricris Villanuna, 35, guro, ng F. Alix Street sa nasabing barangay.

Base sa imbestigasyon, naganap ang insidente sa panulukan ng R. Vasquez Street at Salvadea Street.

Ilang beses uma­nong pinaputok ni PO2 Ortizo ang kaniyang  Glock 17 cal. 9mm pistol kung saan isa sa mga bala ay tumama sa baba ng biktima na agad isinugod sa pa­gamutan.

Sumuko naman kamakalawa si PO2 Ortizo na isinurender din ang kaniyang service firearms.

 

Show comments