Apo ng gob. na dinukot, nasagip

Sa police report na nakarating kay P/Chief Insp. Billy Mangali, hepe ng Solano PNP, lumabas sa imbestigasyon na dakong alas-9 ng umaga nang yayain ng suspek na si Ramil Olivar ang batang si Prince Niño Antonio na magmer­yenda mula sa  paaralan sa Barangay Centro, bayan ng Alcala, Cagayan. STAR/File photo

TUGUEGARAO CITY, Cagayan, Philippines – Nasagip ng pulisya ang kinidnap na 6-anyos na apo ni Caga­yan Go­vernor Alvaro Antonio matapos itong ma-intercept sa pampasaherong bus patungong Maynila sa Barangay Quezon, bayan ng Solano, Nueva Vizcaya noong Miyerkules ng gabi.?

Sa police report na nakarating kay P/Chief Insp. Billy Mangali, hepe ng Solano PNP, lumabas sa imbestigasyon na dakong alas-9 ng umaga nang yayain ng suspek na si Ramil Olivar ang batang si Prince Niño Antonio na magmer­yenda mula sa  paaralan sa Barangay Centro, bayan ng Alcala, Cagayan.

Subalit mabilis na isinakay ang biktima  sa pampasaherong bus na patu­ngong Maynila.Nabatid na ang ama ng bata ay pamang­kin at kawani ni AGBIAG Party­list Rep. Patrick Antonio na utol naman ng nasabing gobernador.

Sinasabing ang suspek ay iniwan ng asawa sa bayan ng Moncada, Tarlac kung saan binasted naman sa panliligaw ng tiyahin ng batang Antonio.?

Layunin ng suspek na makaharap nito ang babaeng bumasted sa kanya kaya naisipang dukutin ang bata.

Show comments