Councilor bet ng LP, itinumba

Sa ulat ng Cotabato City PNP na isinumite sa Camp Crame, kinilala ang biktima na si Macawali Saranga ng Buldon, Maguindanao at kandidatong konsehal sa ilalim ng Liberal Party. STAR/File photo

MANILA, Philippines – Napatay ang 38-anyos na kandidatong konsehal sa Maguindanao makaraang pagbabarilin ng hindi kilalang lalaki sa panulukan ng Don Rufino Avenue at Doretheo Street sa tabi ng Cotabato Puericulture Hospital sa Cotabato City noong Miyerkules ng gabi.

Sa ulat ng Cotabato City PNP na isinumite sa Camp Crame, kinilala ang biktima na si Macawali Saranga ng Buldon, Maguindanao at kandidatong konsehal sa ilalim ng Liberal Party.

Nabatid na nakikipag-usap ang biktima sa kaniyang mga kaibigan nang lapitan at ratratin bandang alas-7:20 ng gabi.

Duguang bumulagta ang biktima magtapos mapuruhan sa ulo habang mabilis namang tumakas ang gunman na sinamantala ang kadiliman ng paligid.

Sinisilip ng pulisya ang dalawang anggulong may kinalaman sa pulitika at clan war.

Show comments