Coed pinagalitan ng ina, nag-suicide

NORTH COTABATO, Philippines – Kusang nagpasalubong kay kamatayan ang 17-anyos na 2nd year college na sinasabing napa­galitan ng kanyang ina matapos itong magbigti sa kanilang bahay sa Purok Jaso, Barangay Monte Alegre sa bayan ng Aurora sa Zamboanga Del Sur, ayon sa ulat kahapon. Lumalabas sa imbestigasyon ng Aurora PNP na bago ang insidente ay pinagalitan ang biktimang si Meralyn Malinao ng kanyang ina dahil sa pakikipagrelasyon nito sa nobyo. Mismong ang kapatid na lalaki ng dalagita ang nakadiskubre sa bangkay ng kanyang kapatid na nakabitin sa kisame ng kanyang silid. Posibleng nagtampo ang biktima sa kanyang ina kaya nagawang magbigti habang patuloy na inaalam ng pulisya kung may foul play sa pagkamatay ng biktima.

Show comments