Magnitude 6.4 at 4.7 na lindol yumanig sa Davao Occidental

MANILA, Philippines – Tumama ang isang magnitude 6.4 na lindol sa Davao Occidental ngayong Martes, ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs).

Naitala ang sentro ng lindol sa 313 kilometro timog-silangan ng Sarangani, Davao Occidental na yumanig ganap na 12:37 ng umaga.

May lalim na 29 kilometro ang lindol na tectonic ang origin.

Sa layo nito ay Intensity 1 lamang ang naramdaman sa Alabel, Sarangani.

Ilang minuto lamang ang lumipas ay isang aftershock na magnitude 4.7 ang tumama ulit sa Sarangani ganap na 1:01 ng umaga.

Samantala, isang magnitude 3.4 na lindol naman ang naitala sa Urdaneta City, Pangasinan  kanianag 4:24.

Wala namang naitalang pinsala ang tatlong lindol.

Show comments