Lalaki na may kasong murder dedo sa shootout

MANILA, Philippines – Namatay habang nilalapatan ng lunas sa pagamutan ang isang lalaki na wanted sa kasong murder matapos na mabaril ng mga pulis na aaresto sana sa kanya naganap kamakalawa sa Sitio Upper Lumbo, Brgy. Kabalantian, Arakan, North Cotabato.

Kinilala ni Sr. Ins. Felix Fornan, hepe ng Arakan PNP ang suspek na si Henry Batoy, may-asawa, residente ng nasabing lugar.

Batay sa ulat, nagsagawa ang pulisya nang pagsalakay sa bahay ng suspek para ito ay arestuhin.

Subalit, sa halip na sumuko ay bumunot ito ng baril at pinagbabaril ang mga otoridad na masuwerteng walang tinamaan.

Gumanti ang mga otoridad ng putok at nasapol ang suspek sa katawan kaya’t dinala ito sa pagamutan, subalit namatay ito sa daan pa lamang.

Show comments