Tangkang pagbobomba, nasilat

MANILA, Philippines – Kung hindi sa pagiging alerto ng isang vendor na agad ini-report sa pulisya ang kaduda-dudang bagahe ay tiyak na maraming masasawi na mga tao matapos makita na ang laman ay bomba na iniwan malapit sa isang department store sa rotonda ngTacurong City, Sultan Kudarat.

Ito ang Inihayag ni P/Supt. Junnie Buenacosa, chief of police ng Tacurong City PNP ng silipin ang bagahe ay tumambad ang isang kahon may mga wirings sa loob.

Kaya’t mabilis na rumesponde ang pulisya kasama ang Explosive Ordnance Disposal (EOD) team, canine units at militar upang i-secure ang lugar at kumpirmadong IED ito matapos na makitaan ng improvised blasting cap, explosive powder at isang kilo ng pako.

Show comments