Killer ng parak kinasuhan

TUGUEGARAO CITY, Philippines – Sinampahan ng kasong kriminal ng pulisya sa DOJ ang sinasabing bumaril at nakapatay noong bisperas ng bagong taon sa isang miyembro ng PNP sa harap mismo ng kanyang bahay sa Paoay, Ilocos Norte kamakalawa. ?

Sinabi ni Chief Insp. Jonathan Papay, tagapagsalita ng Ilocos Norte Police na may kaugnayan sa trabaho ang motibo  sa pagpatay  kay PO3 Nestor Sadian, 47, dahil sa pagpupursige nito na imbestigahan ang mga kinasasangkutang kaso sa droga ng suspek na si Melanio Yagin Jr. ng Brgy. San Pedro.

Ayon kay Papay, si Yagin ang kinilala ng mga saksi na siyang rumatrat kay Sadian habang nilalaro nito ang paslit na anak sa Brgy. Dolores.?

Si Sadian ay ang chief investigator ng Paoay PNP habang may mga nakabinbin na warrant of arrest sa nagtatagong si Yagin sa kasong pagtutulak ng droga.

Show comments