2 kinatay dahil sa cellphone

MANILA, Philippines – Dahilan lamang sa nawawalang cellphone, pinagtataga hanggang sa mapatay ng 34-anyos na mister na pinaniniwalaang  may diperensya ang dalawa nitong kapitbahay na pinagbintangang nagnakaw ng kaniyang gamit  sa Barangay Gayusan sa bayan ng Agno, Pangasinan noong Lunes ng umaga. Sa naantalang ulat na isinumite kay P/Senior Supt. Rollie Saltat, officer–in-charge ng Pangasinan PNP, kinilala ang suspek na si Andy Naranja. Nakilala naman ang mga biktima na sina Laulita Naranja, 63; at Herminio Cabais, 55. Ayon sa pulisya, naghuramentado ang suspek na may dalawang itak sa magkabilang kamay nito ng madiskubreng nawawala ang cellphone kung saan pinasok ang bahay ng matandang si Lolita na bagaman nakatakbo palabas ay hinabol ito at pinagtataga. Natutulog naman sa duyan si Cabais nang sumunod itong pagtatagain ng suspek. Nasakote naman si Naranja, tatlong oras matapos ang krimen na tumalon pa sa ilog sa pagtatangkang tumakas.

Show comments