Problemadong ina, nagbigti

QUEZON, Philippines – Ipinasyang wakasan ng 48-anyos na misis ang kanyang buhay dahil sa matinding problema sa pamilya matapos itong magbigti sa kanilang bahay sa Sitio Takaran, Barangay Bulakin 1 sa bayan ng Dolores, Quezon kamakalawa. Natagpuan sa loob ng kuwarto ng kanilang lumang bahay ang biktimang si Marianita Alip ng Barangay San Cristobal, San Pablo City sa Laguna. Nabatid na nagkaroon ng mainitang pagtatalo ang mag-asawa dahil sa problema sa kanilang pamilya hanggang sa nagtungo ang biktima sa kanilang lumang bahay noong Linggo ng gabi. Kaagad na tinungo ng anak ng biktima na si Cherry Ann ang kanilang bahay kasama ang tiyuhin upang hanapin ang ina. Gayon pa man nang buksan nito ang pintuan ng kuwarto ay nadiskubre ang biktima na nakabitin.

Show comments