Ate napatay ni bunso

PAMPANGA, Philippines – Napatay ang 41-anyos na ate dahil sa ma­tinding selos matapos itong saksakin ng kanyang nakababatang kapatid na babae sa Barangay Buensuceso sa bayan ng Arayat, Pampanga kamakalawa. Napuruhan sa leeg at dibdib ang biktimang si Maila Castro habang sugatan naman ang nakababatang kapatid na si Carla Castro, 24, ng nasabing barangay. Base sa police report na isinumite sa Camp Julian Olivas, bumisita si Carla sa kanyang ate upang kamustahin ito. Gayon pa man, sa hindi inaasahang pagkakataon ay bigla siyang sinaksak sa likurang bahagi ng katawan. Kahit sugatan ay nagawang lumaban at inagaw ang patalim sa kanyang ate. Dito na sinaksak at napatay ni Carla ang nakatatandang utol.

 

Show comments