Trader inambus ng tandem, dedo

QUEZON, Philippines – Patay ang 58-anyos na negosyante matapos itong ratratin ng riding-in-tandem gunmen sa kahabaan ng highway sa Sitio Kalayaan, Barangay Montecillo, bayan ng Sariaya, Quezon kamakalawa ng umaga. Nagtamo ng mga tama ng bala ng cal. 45 pistol sa  katawan ang biktimang si Edgardo Rosento ng Sitio Kamastilisan, Barangay Manggalang 1. Sa ulat na nakarating kay P/Supt. Harold Depositar, hepe ng Sariaya PNP, sinusundan ng biktimang lulan ng motorsiklo ang kanyang traysikel na kargado ng mga karne ng baboy para dalhin sa palengke nang dikitan at pagbabarilin ng tandem dakong alas-9 ng umaga. Gayon pa man, hindi sinaktan ang dalawang tauhan na nakasakay sa traysikel na  may dalang mga karne ng baboy.

Show comments