Desperado sa pag-ibig, nagbigti

NORTH COTABATO, Philippines – Pinaniniwalaang desperado sa pag-ibig ang 19-anyos na babae kaya ito nagbigti sa loob ng kanilang bahay sa Purok Macapuno, Lapu-Lapu Street sa Kidapawan City, North Cotabato noong Biyernes ng madaling araw. Nadatnan na lamang ng ka-live-in na si Datu Dido Pagayao na nakabitin sa kisame ang biktimang si Rodelyn Reyes Marfi ng Brgy. Bongolanun sa bayan ng Magpet, North Cotabato. Ayon sa pulisya, problema sa pag-ibig ang isa sa motibo ng biktima habang inaalam kung may kaugnayan din sa kanilang relasyong mag-asawa ang ugat ng pagpapakamatay nito. Sa salaysay naman ng ina ng biktima na hindi ito ang unang pagkakataon na tinangkang mag-suicide ng dalagita.

Show comments