13-anyos ni-rape ng lolo

MANILA, Philippines – Maagang nawasak ang pagkababae ng 13-anyos na dalagita matapos itong halayin ng 67-anyos na lolo sa Barangay Pasonanca, Zamboanga City sa Zamboanga del Sur kamakalawa ng gabi.

Sa ulat ni P/Chief Insp. Rogelio Alabata na isinumite sa Camp Crame, dakong alas-12:05 ng madaling araw nang masakote ang suspek na si Vicente de los Santos Valeriano ng KM 4 sa nasabing barangay. Itinago sa pangalang Nanette ang biktimang sinamahan ng kaniyang amang si Romeo Cajucom sa pulisya para ireklamo ang suspek.

Naganap ang krimen sa bahay ng biktima matapos na makipag-inuman ang suspek sa ama ng dalagita.

Nang malasing ang ama ng biktima ay sinamantala ito ng suspek na isagawa ang maitim na balak  sa dalagita.

Pinagbantaan pa ng matanda ang biktima na ilihim ang naganap na isidente.

Gayon pa man, nahimasmasan sa pagkalasing ang ama ng biktima kaya inusisa nito ang anak na umiiyak kung saan nadiskubre ang krimen.

 

Show comments