Buntis utas sa tandem

Sa ulat ng Bohol PNP na isinumite sa Camp Crame, kasama ng biktima ang 12-anyos anak na si Liza Mae matapos na manood ng palabas ng Suroy Musikero ng Loboc sa Brgy. Quinoguitan at kasaluku­yang pauwi na nang hara­ngin ng tandem. STAR/File photo

MANILA, Philippines – Patay ang 42-anyos na pitong buwang buntis matapos itong pagbabarilin ng motorcycle-riding gunmen sa harapan ng kanyang dalagitang anak sa Barangay Quinoguitan, bayan ng Loboc, Bohol noong Sabado ng hapon.

Idineklarang patay sa Gov. Celestino Gallares Memorial Hospital sa Tagbilaran City ang mani­kuristang biktima na si Edna Quiao.

Sa ulat ng Bohol PNP na isinumite sa Camp Crame, kasama ng biktima ang 12-anyos anak na si Liza Mae matapos na manood ng palabas ng Suroy Musikero ng Loboc sa Brgy. Quinoguitan at kasaluku­yang pauwi na nang hara­ngin ng tandem.

Tinanong pa ang biktima kung kakilala nila ang barangay chairman sa nasabing lugar at nang sumagot naman ang misis ay agad itong pinagbabaril sa harapan ng kaniyang anak.

Nagawa pang maisugod sa pagamutan pero  idineklarang patay ang biktima at maging ang sanggol sa kaniyang sinapupunan na ikasampu nitong anak ay nabigong mailigtas.

Pinaniniwalaang ‘mistaken identity’ lamang ang biktima at hindi ito ang totoong target habang patuloy naman ang imbestigasyon.

Show comments