Driver niratrat ng kagawad, kritikal

TUGUEGARAO CITY, Cagayan, Philippines - Kritikal ang 35-anyos na drayber matapos itong ratratin ng barangay kagawad dahil sa gitgitan sa trapiko sa Barangay Poblacion, bayan ng San Isidro, Abra kamakalawa. Kinilala ni SPO1 Tolentino Basa ang biktima na si Reynaldo Sales Siganay habang nadakip naman sa follow-up operations ng pulisya ang suspek na si Kagawad Ernesto Valera Baro, 38, ng Barangay Naguilian sa bayan ng La Paz.? Lumalabas sa imbestigasyon na nakaangkas sa motorsiklo ng biktima ang kaibigang si Jomar Lumidao nang makagitgitan nito sa highway ang suspek dakong alas-5:30 ng hapon.?Sinasabing napikon ang suspek sa pakikipagkarera sa kanyang motorsiklo  kaya pinagbabaril ang biktima na kasalukuyang nakikipagbuno kay kamatayan sa Siganay sa Seares Memorial Hospital. Nahaharap sa kasong murder ang suspek.

 

Show comments