Binata itinumba sa tindahan

BULACAN, Philippines – Napatay ang 22-anyos na binata matapos itong ratratin ng di-kilalang lalaki sa harapan ng tindahan sa Barangay Subic, bayan ng Baliwag, Bulacan kamakalawa ng hapon. Naisugod sa Castro Maternity and General Hospital subalit hindi na umabot ng buhay ang biktimang si Martin Famatiga ng Barangay Caingin sa bayan ng San Rafael. Sa imbestigasyon ni PO2 Christopher Santiago, nagpa-load sa tindahan ang biktimang hawak ang kanyang cellphone na kausap ang kaibigang si Niño nang lapitan at barilin sa batok ng gunman dakong alas-2:40 ng hapon. Sinisilip naman ng pulisya ang anggulong onsehan sa bawal na droga ang isa sa motibo ng gunman.

 

Show comments