Rapist arestado

BULACAN, Philippines – Kalaboso ang 25-anyos na barker na sinasabing pangunahing suspek sa panggagahasa sa babaeng may kapansanan may dalawang taon na ang nakalipas matapos itong masakote ng pulisya sa inilatag na operasyon sa Barangay Tabing-Ilog, bayan ng Marilao, Bulacan kahapon.

Nakatakdang kasuhan ang suspek na si Angelito “Negro” Ortiz ng Ismael Village, Brgy. Sta.Rosa I sa nasabing bayan.

Base sa ulat na nakarating kay P/Supt. Lailene Amparo, inireklamo ng mga magulang ng biktima ang suspek na namataan na muling nagtatawag ng mga pasahero sa terminal ng mga pampasaherong  jeepney sa Brgy. Tabing-Ilog.

Kaagad na rumesponde ang pangkat ni PO3 Jayson Punzalan para isilbi ang warrant of arrest na inisyu ni Judge Victoria Fernandez-Bernardo ng Malolos City Regional Trial Court Branch 18.

Hindi na nakapalag ang suspek nang arestuhin ng pulisya. Sa record ng pulisya,  hinalay ng suspek ang biktima sa abandonadong bahay sa nasabing barangay noong Hunyo 15, 2013.

Show comments