Mister dinedo sa inuman

BULACAN, Philippines – Napaslang ang 40-anyos na lalaki na nag-alok ng tagay matapos itong saksakin ng kanyang kapitbahay sa inuman sa Barangay Pugad, bayan ng Hagonoy, Bulacan kahapon. Hindi na umabot ng buhay sa Perez Memorial Hospital ang biktimang si Arnold Tamayo habang pinaghahanap naman ng pulisya ang suspek na si Carlo Agulto na kapwa nakatira sa nasabing barangay. Ayon kay PO2 Alberto Escartin, nakikipag-inuman ang biktima sa mga kaibigan nang alukin nito ang suspek na tumagay subalit tinangihan ito. Gayon pa man, nagalit ang biktima na humantong sa mainitang pagtatalo hanggang sa maganap ang pananaksak saka tumakas ang suspek.

Show comments