124 pamilya nasunugan

CEBU, Philippines – Malungkot na Bagong Taon ang sasalubong sa 124 pamilya matapos na masunog 526 kabahayan sa Sitio Avocado, bayan ng Lahug, Cebu City, Cebu  kamaka­lawa ng gabi. Nabatid na idinaos ng mga residente ang kapistahan ng kanilang patron saint na Sagrada Familia nang sumiklab ang sunog sa bahay ni Rosemarie Villarin. Sa pahayag ni Villarin sa mga awtoridad na walang supply ng kuryente ang kanyang bahay kaya kandila lamang ang ginagamit. Pinaniniwalaang nadilaan ng apoy ang mga damit na tiniklop ni Villarin kaya naganap ang sunog. Nagsimulang kumalat ang apoy bandang alas-6:22 ng gabi bago naapula sa loob ng isang oras kung saan aabot sa P1 milyong halaga ng ari-arian ang nilamon ng apoy. Kasalukuyang nasa barangay sports complex at Lahug Elementary School ang mga naapektuhan ng sunog. Wala namang namatay pero may dalawa na naisugod sa ospital dahil sa sakit na asthma at hypertension. Freeman News Serivice

Show comments