Magpinsan nalunod sa irigasyon

TUGUEGARAO CITY, Philippines – Patay ang magpinsang totoy matapos silang malunod sa irigasyon habang patuloy pa ring tumataas ang tubig sa Barangay San Jose, Enrile, Cagayan noong bisperas ng Pasko. Ayon kay Sr. Insp. Felicito Dulin, hepe ng PNP Enrile, nagpaalam sa mga magulang na kumuha ng mga lumutang na kahoy sa irigasyon ang mga batang sina Romar Babaran, 12 at Arvin Taguinod, 11, subalit naisipan nilang magtampisaw sa may pumping station dakong alas-11:30 ng tanghali. Hindi inakala ng dalawa na lumalim ang irigasyon sanhi ng pagpapakawala ng tubig sa Magat dam sa Isabela kung kaya dinala sila ng malakas na agos.?Unang narekober ang bangkay ni Babaran ng mga nagrespondeng residente habang inabot ng Kapaskuhan ang paglaho ni Taguinod.

Show comments