2 chop chop isinilid sa drum

CAVITE, Philippines – Putul-putol na katawan ng dalawa-katao na nakasilid sa berdeng plastic drum ang natagpuan sa madamong bahagi ng Barangay St. Peter 1 sa Dasmariñas City, Cavite kamakalawa. Sa police report na nakarating sa Camp Pantaleon Garcia sa Imus City, ipinagbigay-alam ng mga residente ang natagpuang drum na may chop chop na katawan ng tao. Nadiskubre rin na may nakalagay na tag kung saan nakasulat pa ang pangalan ng ospital sa Maynila na pinaniniwalaang pinag-aralan ng mga medical student ang dalawang katawan ng tao na may kasama pang kemikal. Patuloy naman ang imbestigasyon ng pulisya.

Show comments