2 todas sa motorbike crash

TUGUEGARAO CITY, Cagayan, Philippines – Pinaniniwalaang lango sa alak ang dalawang construction workers na sumalubong kay kamatayan matapos sumalpok sa punungkahoy ang kanilang motorsiklo sa kahabaan ng highway sa Barangay Burgos, bayan ng Alicia, Isabela kamakalawa ng gabi. Kinilala ni PO1 Jayson Pascua ang mga namatay na sina Jaymar Yagyagan, 26; at Rodolfo Padua, 25. Ayon kay PO1 Pascua, pauwi na ang mga biktima mula sa Cauayan City nang makasalubong si kamatayan sa kurbadang highway sa nasabing barangay. Gayon pa man, inamin ni PO1 Pascua na hindi niya natiyak kung senglot ang dalawang biktima dahil naliligo na ang mga ito sa sariling dugo nang amuyin niya ang mga bangkay na nasa Funeraria Carbonel.

Show comments