Anak ipinakulong ng ina, nagbigti

CAVITE, Philippines – Kusang nagpasalubong kay kamatayan ang 22-anyos na lalaki na sinasabing adik kaya ipinakulong ng sariling ina matapos itong magbigti sa loob ng selda sa barangay hall kamakalawa ng gabi Barangay San Lorenzo Ruiz 2 sa Dasmariñas City, Cavite. Sa ulat na nakarating sa Camp Pantaleon Garcia, lumilitaw na dinala ng mga barangay tanod ang biktimang si Manuel Pineda sa loob ng barangay hall sa kahilingan ng kanyang ina dahil sa pagwawala sa kanilang bahay. Subalit dakong alas-2 ng madaling araw ay natagpuan ang biktima na nakabitin sa rehas na bakal na pinaniniwalaang nagbigti ito gamit ang kanyang sinturon.

Show comments