Ambush: Kandidatong konsehal utas

TUGUEGARAO CITY, Cagayan, Philippines – Isa na namang kandidatong konsehal ang napatay matapos itong tambangan ng riding-in-tandem assassins sa kahabaan ng highway sa Barangay Tulnagan sa bayan ng Pasuquin, Ilcos Norte kamakalawa ng gabi. Sa ulat ni P/Chief Insp. Jonathan Papay, tagapagsalita ng PNP Ilocos Norte, nagtamo ng mga tama ng bala ng cal. 45 pistol sa likuran ng ulo at iba’t ibang bahagi ng katawan ang biktimang si Salvador Castillo na dating chairman sa Barangay Dilavo at retiradong pulis. Namatay ang biktima habang ginagamot sa Gov. Roque Ablan Sr. Memorial Hospital.? Pinaniniwalaang may kaugnayan ang pagpatay kay Castillo sa naunang pagpatay kay Kagawad Stanberg Ragonjan sa bayan ng Dilavo noong Disyembre 3, 2015.?

Show comments