Bulakenyo wagi ng P16-M sa 6/49 lotto

MANILA, Philippines – Maganda ang pasko ng isang Bulakenyo matapos manalo ng P16 milyon sa 6/49 Super Lotto ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO).

Tinamaan ng lone winner ang winning numbers na 32-12-28-38-25-31 na binola kagabi.

Sinabi ni PCSO General Manager Jose Ferdinand Rojas II na taga Bulacan ang nanalo na hindi pangangalanan upang matiyak ang seguridad nito.

Binola rin kagabi ang 6/42  draw na may winning numbers na 19-14-40-21-22-20.

Show comments