2 wanted utas sa shootout

NORTH COTABATO, Philippines - Dalawang wanted na miyembro ng Muloc Gang ang napatay makaraang makipagbarilan sa mga operatiba ng pulisya sa bisinidad ng Sitio Abuno, Barangay Mucas sa bayan ng Salug, Zamboanga Del Norte kamakalawa ng umaga. Kinilala ang dalawang napatay na sina Eting Taupan, 36; at Taring Malabato, 45, mga nakatira sa nasabing barangay. Nakatakas naman ang tatlo pang wanted na sina Jaripal Ahil, Basiran Mudja, at si Ebrahim Ahil. Sa ulat ng police regional office, isisilbi sana ang mga warrant of arrest na inilabas ng korte laban sa grupo sa mga kasong murder at frustrated murder nang makipagbarilan ang mga ito. Narekober sa mga napatay ang dalawang cal. 45 pistol habang tinutugis naman ang tatlong wanted.

Show comments